Yipee, for the first time, I *ehem* made our first banner. *^______^*. I know its too simple, but I'll try my best next time to make a better banner. LOL. It's a Bob Ong book inspired layout. Does it look familiar? It's from the book Macarthur written by Bob Ong which is one of our favorite Filipino authors. Our blog site is also inspired from the book Macarthur.
Here is Macarthur's cover which inspired me to create our banner, eventhough it isn't exactly what the Macarthur cover looks like.
Spot the difference? LOL.Here is a review *from another blogger* about Macarthur. Hope you'll enjoy reading this. *^__________^*
MACARTHUR ni Bob Ong
Recently,kakatapos ko lang basahin ang libro ni Bob Ong. Grabe ang quest ko para lang mahagilap ang libro na ito. Whew! Halos masakyan ko na lahat ng tren na available para lang makuha ito.
Pero ang importante, nabasa ko na siya. Ang ganda nga ng timing ng pagbili ko ng librong ito. Timing sa finals ko sa Comm Elective 1. Hahahaha..nakakatempt tuloy basahin.
Kung sanay ka sa writing style ni Bob Ong na medyo sabog yung thoughts, meaning parang naging collage yung libro niya ng mga pananaw niya sa buhay, kakaiba ang librong ito.
Ang MACARTHUR ay isang fictional na libro. Purong fictional. Walang persona ni Bob Ong ang nagsasalita. Siguro sa mga characters naiparating niya ang gusto niyang iparating sa mga mambabasa.
Ang masasabi ko sa librong ito, kakaiba. Pramis. Sumasalamin ito sa mga suliranin ng kabataan at ng lipunan. Ang mga kabataaan na naligaw ng landas sa kadahilanang sila ay naging biktima ng lipunan. Biktima sa kasakiman ng mga nasa kapangyarihan kaya sila ay nagpakalulong na lamang sa masamang bisyo. Mga kabataang iba-iba man ang suliranin ay iisa lang ang pinagdaraanan.
Iniisip ko pa rin kung bakit MACARTHUR ang pamagat ng libro na ito. Dahil ba sa kahit anong gawin natin, itakwil man tayo ng buong mundo ay babalik din tayo sa ating kanya-kanyang pamilya? O kaya kung ano man ang ipinunla natin ay siya rin nating aanihin?
Astig lang din ang librong ito dahil parte ng kikitain nito ay mapupunta sa Gawad Kalinga. Sa Gawad Kalinga, hindi lang naman ang paggawa ng bahay ang ginagawa dito. Meron ding community development at iba’t ibang programa para sa ikauunlad ng buhay ng mga tao sa pamayanan nito. Siguro kaya ito ang napili ni Bob Ong upang wala nang matulad sa mga kabataan sa MACARTHUR o kaya ay maisaayos ang kanilang mga buhay.
Nang basahin ko ito, na shock ako. Parang kakaiba talaga yun tema. Ang inasahan ko siyempre magaan lang. Yung tipong tatawa ka. Pero ito, matatawa ka dahil sa linya ng paguusap ng mga tauhan. Pero hindi yung dahil sa kuwento. Mabigat ang kuwento.
Ito na nga ba ang lipunan na ginagalawan natin ngayon? Sadyang marami na ba ang napariwara nating mga kabataan? Kung pagtutuunan lang sana nila ang mga ito, edi sana mas may pag-asa ang bayan natin. Mas malaki ang pag-asa na umunlad tayo kahit papaano.
Siguro hindi ito pwede basahin ng mga bata. As in sobrang bata ha. Dahil sa language content at medyo, brutal kasi eh. Nakakashock talaga. Pramis.
Pero kung kaya mo namang sikmurain ang pagsulat ni Bob Ong, ayus lang. Sige go! Rock rockan na!!!!!
Credits goes to this site. Thanks!
No comments:
Post a Comment